Ang Dating Daan -> Ang Dating Daan
Control Panel | search | Email to a Friend
Log In! | Register

Page 1 of 3: 1 2 3 Next

Author Message / Information
Soul_keeper
Kaanib

Gender: Male
Location: Cavite
Status: Yahoo Online Status Indicator

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
posted on: 7/13/2003 3:53:04 PM

Alam ko po na kasama dito ang mga kawal, pero nais ko pong humingi ng tulong sa mga kapatid sa kung paano ko ito maipapaliwanag sa mga kapatid nating INC's.
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 7/14/2003 9:59:10 AM

Mayro'n kasing posibilidad na may kawal na tumakas dahil may takot na silang ipinahiwatig sa ating Panginoong Jesus nang siya ay dadakpin dahil nasaksihan mismo nila ang mga himalang ginawa Niya at maaaring may mangyari sa kanilang masama kung itutuloy nila ang pagdakip sa Kanya. Ito ay mababasa natin sa:

Juan 18:3 Si Judas nga, pagkatanggap ng pulutong ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo, ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata.
18:4 Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap?
18:5 Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, Ako nga. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila.
18:6 Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa.

Nang managa na si Pedro ay may posibilidad na may natakot na kawal sa kanya at ang mga ito ay tumakas. At nang gumawa ng mabuti si Cristo kay Malco na ibinalik at pinagaling ang tinigpas niyang tenga ay may posibilidad ding hindi na sumama si Malco sa pagdakip kay Cristo at sumama na rin ito sa mga kawal na natakot.

Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

This message was updated on 7/26/2003 5:20:01 AM by Yirmeyahu

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 7/22/2003 8:26:50 AM

Mark 14:50 And they all forsook him, and fled. (KJV)

Marcos 14:50 Marcos 14:50 At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas. (Ang Biblia)

Mark 14:50 kai aphentes auton pantes ephugon pantes

Sa Marcos 14:50 hindi malinaw kung sino ang nagsitakas. Ang nakalagay lang sa orihinal na Greek ay "pas/pantes" o "all". Hindi sinabi kung alagad o kawal

Mat 26:56 But all this was done, that the scriptures of the prophets might be fulfilled. Then all the disciples forsook him, and fled. (KJV)

Mat 26:56 touto de olon gegonen ina plêrôthôsin ai graphai tôn prophêtôn tote oi mathêtai pantes aphentes auton ephugon

Sa Mat 26:56 lahat ng alagad ang tumakas "mathetai pantes".

quote:
Strong's Number: 3101
Original Word : maqhthv
Transliterated Word Mathetes
Phonetic Spelling math-ay-tes' Definition :
1. a learner, pupil, disciple

Strong's Number: 3956
Original Word: pa'
Transliterated Word: Pas
Phonetic Spelling: pas
Definition:
1. individually
2. each, every, any, all, the whole, everyone, all things, everything collectively some of all types

Hindi natin masasabing lahat ng alagad ang tumakas sa Marcos 14:50 dahil wala namang mababasang "Mathetai" o "alagad". Bago tumakas ang lahat ng mga alagad ay may iniulat pa si Marcos sa Mar 14:51-52 na isang binata na sumusunod kay Hesus na tumakas din bago ang Marcos 14:50. Masasabi nating naganap ang sinasabi na lahat ng alagad ay tumakas sa Mat 26:56 ay nang tumakas na rin ang binatang sumusunod kay Hesus. Ang binatang yaon ay maituturing na isa sa mga alagad dahil sinusundan niya ang Panginoong Hesus hanggang sa mga huling araw nito. Hindi ito kabilang sa 11 apostol kundi isa sa mga alagad ni Cristo. Wala namang binabanggit sa Mat 26:56 sa orihinal na Greek na "apostolos" ang mga tumakas kundi mga alagad. Kung "apostolos" ang nakalagay sa Mat 26:56 masasabi nating mali si Bro. Eli dahil ibig sabihin sa Marcos 14:50 ay lahat ng mga apostol ang tumakas at wala ng "bearing" ang tumakas na binata na sumusunod kay Cristo. Ibig sabihin nagsitakas lang ang lahat ng mga alagad pagkatapos ng Marcos 14:52 at hindi sa Marcos 14:50 kaya tama si Bro Eli na may instance nga na may kawal na tumakas sa Marcos 14:50 base sa ipinakita nilang pagkatakot sa Juan 18:3-6

quote:
Juan 18:3 Si Judas nga, pagkatanggap ng pulutong ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo, ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata.
18:4 Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap?
18:5 Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, Ako nga. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila.
18:6 Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa.

May posibiladad na tumakas ang ilang mga kawal nang managa na si Pedro at si Malco ay may posibiladad din na tumakas at di na sumama sa pagdakip kay Cristo dahil sa nakita niyang mabuting ginawa sa kanya ni Cristo. At kaya lamang siya tuluyang dinakip at pinatakas na ni Cristo ang mga alagad dahil kailangang maganap ang kasulatan.

Juan 18:8 Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na ako nga; kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang mga lakad.
Juan 18:9 Upang matupad ang salitang sinalita niya, Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ko iniwala kahit isa.

Mat 26:56 But all this was done, that the scriptures of the prophets might be fulfilled. Then all the disciples forsook him, and fled. (KJV)

Iyan ang di nakikita ng mga namumuntos kay Bro. Eli. May mga bagay sa Biblia na di nakikita sa letra ng mga kasulatan kundi makikita sa diwa at pagsasaalang-alang sa konteksto ng mga pangyayari.

swf
tamuklong

INC
Gender: Male

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 7/24/2003 10:15:51 AM

Wala ho ba kayong matibay na ibidensya na ang nagsitakas ay ang mga kawal na darakip kay Jesus sa Marcos 14:50... Kahit po basahin natin ang talatang mga nauna at huli sa talatang ito wala po tayong mababasa na nagsitakas ang mga kawal.... Di po yata malinaw ang mga sagot ninyo sa talatang ito baka po si Brod. Eli may magandang dahilan o sagot dito....
Iakobos
Kaanib
Gender: Male
Location: Manila
Avatar

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 7/24/2003 11:34:25 AM

quote:
Wala ho ba kayong matibay na ibidensya na ang nagsitakas ay ang mga kawal na darakip kay Jesus sa Marcos 14:50... Kahit po basahin natin ang talatang mga nauna at huli sa talatang ito wala po tayong mababasa na nagsitakas ang mga kawal.... Di po yata malinaw ang mga sagot ninyo sa talatang ito baka po si Brod. Eli may magandang dahilan o sagot dito....

Hindi naman po lahat ng mga kawal ang tumakas kundi meron sa mga kawal na tumakas dahil nagpakita sila ng takot nang tanungin sila ni cristo at nagsiurong sila at nangalugmok sa lupa at lalong natakot sila nang managa na si Pedro kaya talagang may tumakas na ilan sa kanila.
tamuklong

INC
Gender: Male

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 7/25/2003 5:17:02 AM

Edi ilagay mo rito yung talata na nagsasabi na tumakas nga yung mga kawal..... Kasi ito yung pinaninindigan ninyo na nagsitakas yung mga kawal o baka naman di mo narining yung sinabi ng Puno nyong palamura tungkol dito.
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 7/26/2003 6:20:00 AM

quote:
Edi ilagay mo rito yung talata na nagsasabi na tumakas nga yung mga kawal..... Kasi ito yung pinaninindigan ninyo na nagsitakas yung mga kawal o baka naman di mo narining yung sinabi ng Puno nyong palamura tungkol dito.

Juan 18:3 Si Judas nga, pagkatanggap ng pulutong ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo, ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata.
18:4 Si Jesus nga, na nakatataho ng lahat ng mga bagay na sasapit sa kaniya, ay lumabas, at sa kanila'y sinabi, Sino ang inyong hinahanap?
18:5 Sinagot niya sila, Si Jesus na taga Nazaret. Sinabi sa kanila ni Jesus, Ako nga. At si Judas din naman, na sa kaniya'y nagkanulo, ay nakatayong kasama nila.
18:6 Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa.

Pansinin mo naman ang sinasabi na nagsiurong ang mga kawal. Dito may ipinakita silang matinding takot dahil kung hindi bakit nangalugmok sila sa lupa. Mas lalo pang natakot ang mga kawal nang pumalag si Pedro at nanaga kaya hindi mo maaalis ang isang malinaw na katotohanan na may kawal na tumakas base sa mga pangyayari. Malinaw naman ang sagot ni Bro. Eli na sa tiempo na huhulihin siya at nanaga na si Pedro ay may mga kawal na tumakas. Ang pinagbasehan nya sa sagot ay ang Marcos 14:50 kaya sinabi niya na yung mga kawal ang tumakas dahil may isa pang alagad na di tumakas pagkatapos ng Marcos 14:50. At nangyari pa lamang yung sinasabi sa Mateo 26:56 na lahat ng mga alagad ang tumakas ay nang tumakas na rin ang isa pang alagad na sumunod kay Cristo (Mar 14:51-52)
tamuklong

INC
Gender: Male

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 8/1/2003 7:02:00 AM

18:6 Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa

Nasan ho ang sinasabi rito na nagsitakas ang mga kawal na huhuli sa kanya??? Nagbibigay ka bro ng sarili mong pakahulugan dito na nagsitakas ang mga kawal na huhuli sa kanya pero wala kang mababasa na nagsitakas ang mga kawal na huhuli kay Cristo......Pakita mo, kasi wala kang mababasa na nagsitakas ang mga kawal na huhuli sa kanya sa talatang ito. Ito ang dapat mong isulat letra por letra......
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 8/1/2003 9:11:50 AM

quote:
]18:6 Pagkasabi nga niya sa kanila, Ako nga, ay nagsiurong sila, at nangalugmok sa lupa

Nasan ho ang sinasabi rito na nagsitakas ang mga kawal na huhuli sa kanya??? Nagbibigay ka bro ng sarili mong pakahulugan dito na nagsitakas ang mga kawal na huhuli sa kanya pero wala kang mababasa na nagsitakas ang mga kawal na huhuli kay Cristo......Pakita mo, kasi wala kang mababasa na nagsitakas ang mga kawal na huhuli sa kanya sa talatang ito. Ito ang dapat mong isulat letra por letra......

Ipinapakita ko sa iyo sa Juan 18:6 ang ipinakitang pagkatakot ng mga kawal kaya may possibility na nagsitakas ang mga ito nang managa na si Pedro. Base sa mga pangyayari ang ibinigay kong basehan kaya nasabi kong may mga kawal na nagsitakas. Wala yan sa letra pero mababasa sa diwa. Ang basehan dapat hindi lang letra kundi mas higit nating pahalagahan ang wala sa letra ngunit nasa diwa ng mga pangyayari sa Biblia.

2 Corinto 3:6 Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.

tamuklong

INC
Gender: Male

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 8/2/2003 9:37:58 AM

Ang sabi mo "may possibility", ang ibig sabihin nito sariling pakahulugan ang ginamit mo rito para ipaliwanag na nagsitakas ang mga kawal na darakip kay Jesus. Edi hindi na Biblia ang nag paliwanag sa argumento kundi ikaw na sa sariling palagay lamang wala na sa Biblia.....Walang letra por letra kasi hindi naman talaga sinabi sa biblia na nagsitakas ang mga kawal na darakip sa kanya, oh maliwanag ba bro... Wag sariling pakahulugan o pala-palagay lamang ang dapat gamitin sa pagpapaliwanag ng talata kundi batay sa biblia at paliwanag ng biblia.
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 8/5/2003 12:25:26 PM

Hindi sariling pakahulugan yan kundi nababasa sa mga diwa ng Biblia na may mga nagsitakas ang mga kawal nang managa na si Pedro dahil na rin sa pinakitang takot nila at pagaalinlangan bago nila dinakip ang at8ing Panginoong Jesucristo.

Hindi letra por letra ang batayan namin sa aming pananampalataya dahil si Cristo at ang mga apostol hindi nakabatay sa letra kundi sa diwa o espiritu ang kanilang pangangaral at pananampalataya.

2 Cor 3:2 Yamang nahahayag na kayo'y sulat ni Cristo, na pinangasiwaan namin, hindi isinulat ng tinta, kundi ng Espiritu, ng Dios na buhay, hindi sa mga tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng pusong laman.

2 Cor 3:6 Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.

Mababasa sa diwa na may nagsitakas na mga kawal batay na rin sa mga ulat ni San Juan at ng ibang ebanghelista. Kung hindi ka tumatanggap na sagot na nasa diwa bahala ka. Tandaan mo na ang tunay na kahulugan ng pananampalataya ay ang paniniwala sa bagay na wala sa letra o sa mga bagay na nakikita.

Heb 11:1 Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.
tamuklong

INC
Gender: Male

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 8/7/2003 6:13:37 AM

Nasan na yung talata kasi wala ka pa nilalagay dito, puro "may possibility" sariling palagay!!!!!! Ilagay mo yung talata na nagsasabing tumakas yung mga kawal!!!!!!!!! Pag wala ka nailagay ibig sabihin wala talaga, wag kang mag palapalagay, para makita na sa biblia ka nagpapaliwanag!!!!!!!!!!!!
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 8/8/2003 8:20:06 AM

quote:
Nasan na yung talata kasi wala ka pa nilalagay dito, puro "may possibility" sariling palagay!!!!!! Ilagay mo yung talata na nagsasabing tumakas yung mga kawal!!!!!!!!! Pag wala ka nailagay ibig sabihin wala talaga, wag kang mag palapalagay, para makita na sa biblia ka nagpapaliwanag!!!!!!!!!!!!

Binigay ko na sa iyo ang mga talata kaso ayaw mong tumanggap ng diwa. Wala akong magagawa kung ayaw mong tanggapin.

Sino sa palagay mo ang nagsitakas sa Marcos 14:50?

Marcos 14:50 At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas.

Sino ang "lahat" na tinutukoy sa talata?

Ang mga alagad ba?

Kung "lahat ng mga alagad", magkakamali ka dahil may isa pang alagad na binabanggit sa Marcos 14:51-52 na na tumakas lang pagkatapos ng Marcos 14:50

Ang lahat ng mga kawal kaya na natakot kay Pedro pati na si Malco na ginawan ng kabutihan ni Cristo na di na sumama sa paghuli at ang mga natira na lamang na dumakip ay ang mga kawal na na talagang masasama?

Mateo 26:56 Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas.

Ang pagtakas ng "lahat ng mga alagad" ay naganap pa lang sa Marcos 14:52.

Sa Marcos 14:50 hindi mo masasabing lahat ng mga alagad ang tumakas diyan.

Narito ang sequence ng mga pangyayari:

1. Marcos 14:49 Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo, na nagtuturo at hindi ninyo ako hinuli: nguni't nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan.

Mateo 26:55 Sa oras na yaon ay sinabi ni Jesus sa mga karamihan, Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip.
56: Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. .....

2. Marcos 14:50 At iniwan siya ng lahat, at nagsitakas.
51 At sinundan siya ng isang binata, na nababalot ng isang kumot ang katawan niyang hubo't hubad: at hinawakan nila siya;

3. Marcos 14:52 Datapuwa't kaniyang binitawan ang kumot, at tumakas na hubo't hubad.

Mateo 26:56 ....Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas.

Sino ngayon ang tumakas sa Marcos 14:50?
tamuklong

INC
Gender: Male

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 8/14/2003 7:50:33 PM

Sabi ng p[uno nyo yung mga kawal daw, asan nga ang talata na nagsasabing nagsitakas ang mga kawal na darakip sa kanya??? Hindi diwa kundi konklusyon ang binigay mo, sariling palagay ang isinagot mo sa akin at hindi ang nakasulat sa biblia. Di bat ikaw din ang nag sabi na may "posibilidad" ano ang ibig sabihin nito, ibig sabihin nagkaroon ka ng palagay na nagsitakas ang mga kawal na darakip kay Hesus na hindi naman ito batay sa biblia sapagkat ng mga sandali ding iyon ay hinuli sya.... Ngayon, ano ang ibig kung ipaunawa sa iyo?? Ang sagot mo ay di batay sa biblia kundi sa iyong pagkaunawa lamang na kahit pagbasahin mo pa ang buong aklat ng Marcos ay wala kang makikitang nagsasabing ang tumakas ay ang mga kawal.

marcos 14:53 "They took Jesus to the high priest, and all the chief priests, elders and teachers of the law came together".

kung nagsitakas di sana natupad yung sinabi nya sa talatang "14: 49Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo na nagtuturo ngunit hindi ninyo ako dinakip. Ito ay upang ang mga kasulatan ay maganap".

Ngayon sino ang nagsitakas sa 14:50 ng marcos????? Yun ang sagutin mo???????? Baka si Ulyses o kaya si Hamilan, tanong mo sa puno nyong palamura at alanganin...

Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 8/15/2003 6:39:36 AM

Ulit-ulit na lang tayo tamuklong. Binigay ko na lahat ng punto ko kung bakit may mga kawal na tumakas at ayaw mong tumanggap ng aking mga sagot na may basehan naman sa Biblia. Kung di mo matanggap, di wag mong tanggapin. Pinakita lang ni Bro Eli sa kanyang sagot na sa ulat ni Marcos sa pagtakas ay hindi pa lahat ng alagad ang tumakas sa Marcos 14:50 kaya nasabi niyang may kawal na tumakas sa bago ang Mar 14:50 hanggang sa mar 14:50. Ang pagtakas pa lang ng lahat ng mga alagad ay nangyari pa lang sa Marcos 14:52
tamuklong

INC
Gender: Male

Sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50
replied on: 9/9/2003 8:37:03 AM

Eh sino ang nagsitakas sa Marcos 14:50???
LinkBot

Gamers Wanted is looking for people to write game reviews and post news,
if your interested please visit Gamers Wanted About Us Page

Page 1 of 3: 1 2 3 Next

Contact Administrator (must be logged in)

Tired of seeing ads? Click here to upgrade to Elite Membership!

ChatArea.com Help & News Forums | Terms of Use | Contact ChatArea.com | Advertising

Powered By ChatArea.com - Get your free Society today! © Copyright 2003 Wewp!