Ang Dating Daan -> ADD Debates
Control Panel | search | Email to a Friend
Log In! | Register

Page 1 of 2: 1 2 Next

Author Message / Information
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator

Avatar

| Reply |


Dukhang Pantas ba si Bro. Eli ?
posted on: 3/3/2004 5:04:02 AM

Proposition: Ayon sa Biblia, Si Bro. Eli Soriano ba ang kinatuparan sa ating panahon ng isang dukhang pantas na lalake na binabanggit sa Eclesiastes 9:15?


You may not vote until you are logged in!

Results (total votes = 17):
 OO 10 / 59%  
 HINDI 7 / 41%  


obeng




Quote | Reply |


This message was updated on 3/10/2004 5:46:02 PM by obeng

Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 3/10/2004 5:41:24 PM

si brod Eli parang tama ang mga sinsabi, pero ang isang tunay na alagad ng Diyos ay hindi nagkakasalunghat ang mga sinsabi, maraming na memorya si brod Eli sa biblia pero kunti lamang ang kanyang naintindihan, pero sa lahat ng religion dito sa Pilipinas ang kay brod Eli ang pinaka konti ang kamalian. ganun pa man mali parin. sana maitama nya pagdating ng panahon, kya sa ngayon hindi sya ang sinasabing mga tinawag ng Diyos. At hindi rin sya ang tinutukoy sa Eclessiastes
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Quote | Reply |


This message was updated on 3/19/2004 12:50:01 PM by Yirmeyahu

Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 3/19/2004 12:47:31 PM

Stand: Naniniwala ako na si Bro. Eli ang kinatuparan ng Eclesiastes 9:15

A. Bilang Dukha

Maaaring tumutol ang mga kaaway ni Bro. Eli na siya ay dukha dahil marami raw pag-aari si Bro Eli pero kung Biblia ang ating pagbabatayan maituturing na dukha ang isang tao na mayroon ng lahat ng mga bagay kung namumuhay itong bilang dukha gaya ni San Pablo.

Ayon kay San Pablo mayroon siya ng lahat ng mga bagay.

Fil 4:18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.

Ngunit sa kabila nito ay itinuturing niya ang kanyang sarili na dukha dahil namuhay siyang gaya ng dukha.

1 Corinto 4:11 Hanggang sa oras na ito'y nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan; (ADB)
1 Corinto 4:12 At kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami; (ADB)
1 Corinto 4:13 Bagama't mga sinisiraang-puri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon. (ADB)

Si Cristo rin bagama't siya ang tagapagmana at may-ari ng lahat ng mga bagay (Heb 1:2) ay maituturing na dukha dahil namuhay siyang gaya ng dukha.

B. Bilang Pantas

Tinututulan ng mga Kaaway ni Bro. Eli na siya ay Pantas dahil sa pagkakamali daw nito sa history at science. Ngunit ayon sa Biblia ang itinuturing na pantas ay ang taong nakakaunawa ng mga salita sa Biblia na natatatakan o nakalihim sa hiwaga.

Daniel 12:9 At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan. (ADB)
Daniel 12:10 Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa. (ADB)

Napatunayan ko sa aking sarili na si Bro Eli nga ay isang pantas dahil sa kanya ko nalaman at naunawaan ang mga malalalim na hiwaga ng Biblia. Kung nagkakamali man siya sa mga bagay na pangsanlibutan, hindi ito batayan dahil ayon sa Dios ang karunungan ng sanlibutan ay kamangmangan lamang

1Co 1:20 Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan?

at ang mga anak ng sanlibutang ito ay matatalino talaga kaysa sa mga anak ng ilaw pagdating sa karunungang pansanlibutan

Luk 16:8 At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw.

C. Bilang Lalaki

Wala pa siyang inatrasan na maginoong debate at ayon sa Biblia ang lumalaban ay ang tunay na lalake at hindi gaya ng iba na sinasabi raw na MAGITING ngunit wala man lang karecord-record na nakipaglaban man lamang sa isang debate.

1Sa 4:9 Kayo'y magpakalakas at magpakalalake, Oh kayong mga Filisteo, upang kayo'y huwag maging mga alipin ng mga Hebreo, na gaya ng naging lagay nila sa inyo: kayo'y magpakalalake, at magsilaban.
exadd




Quote | Reply |


Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 5/10/2004 3:02:53 AM

Si bro Eli hamon ng hamon nung tinanggap yung hamon ng mga taga inc kumambiyo sa puno sa puno na kundisyon. Walang inatrasang debate? Meron, siya pati ng mga kasamahan niyo atras ng atras sa debate. O sige wag na lang debate, i justify na lang niya o sino mang kaanib sa samahang yan mga kontrahang aral niya. Go over this site and pls answer. Kung ang tao dukha , martir, wala raw sa masasama ang nakakaunawa, magaling sa biblia etc pero kung lihis sa katotohanan mabibilang yan sa kategorya ng mga bulaan propeta. umpisahan niyo na..
http://www.geocities.com/ang_akweng_daan/?video_clips.html%3c/H1
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Quote | Reply |


Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 7/17/2004 2:28:08 PM

e si manalo walang record na nakipagdebate. yan ba ang tunay na lalake di kayang ipagtanggol ang pananampalataya nyo?
saintegermaine
Neutral na taga-sanlibutan
Gender: Male
Location: Sta. Ana Manila, Phils.
Avatar

Quote | Reply |


Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 12/16/2004 12:06:59 PM

Paimbabaw kung dukha iyan. bakit may cable sa amerika? bakit may 6 na sasakyan na diumano ay may ari si Kaka? naku ewan hindi ako INCM kaya lang totoo yata ang claim ng INC na mayaman rin si Eliboy
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Quote | Reply |


Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 12/17/2004 4:55:19 AM

quote:
Paimbabaw kung dukha iyan. bakit may cable sa amerika? bakit may 6 na sasakyan na diumano ay may ari si Kaka? naku ewan hindi ako INCM kaya lang totoo yata ang claim ng INC na mayaman rin si Eliboy


Sinusunod kasi ni Bro. Eli ang diwa ni Cristo na bagamat si Cristo ay mayaman nagpakadukha siya. Basa...

2Co 8:9 Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, na, bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo.
Analyst
Gender: Male
Avatar

Quote | Reply |


Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 1/7/2005 6:35:38 AM

quote:
Sinusunod kasi ni Bro. Eli ang diwa ni Cristo na bagamat si Cristo ay mayaman nagpakadukha siya. Basa...

2Co 8:9 Sapagka't nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, na, bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo.


So ang ibig sabihin hindi talaga dukda si Eliboy nagpapakadukaha lang. Ano ba talaga si Eliboy dukha o nagpapakadukha lang?
saintegermaine
Neutral na taga-sanlibutan
Gender: Male
Location: Sta. Ana Manila, Phils.
Avatar

Quote | Reply |


Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 1/7/2005 5:50:12 PM


Mr. Analyst hindi dukha yan maraming pera yan no

katunayan look at this:

http://www.geocities.com/truewebspy/images/page10.jpg

daming bank deposits kaya di katakataka kung bakit may cable si Bro. Eli sa U.S. at Canada.
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Quote | Reply |


This message was updated on 1/10/2005 12:38:46 PM by Yirmeyahu

Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 1/10/2005 12:38:09 PM

Please read the Debate Rules before you post.
Yirmeyahu
Kaanib
Gender: Male
Site Admin
Status: Yahoo Online Status Indicator
Avatar

Quote | Reply |


Si Bro. Eli ba ang kinatuparan ng isang dukhang pantas na lalake sa Ecle 9:15?
replied on: 1/10/2005 1:23:27 PM

Itinuturing siyang dukha ayon sa Biblia

Kasi si San Pablo sabi niya

1Co 4:13 Bagama't mga sinisiraang-puri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.

Yagit pala sila sa sanlibutan. Ibig sabihin mga dukha sila

pero meron din naman siya ng lahat ng bagay

Phi 4:18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, na isang samyo ng masarap na amoy, isang handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.

Si San Pablo meron ng lahat ng bagay at busog ngunit sa kabila nito ay dukha ang turing niya sa kanyang sarili. Ito ay dahil hindi sila nabuhay gaya ng isang mayaman na may mansyon, hindi nagtatrabaho, sila ang pinaglilingkuran, etc. Sa halip nagtatrabaho sila at sa kinita nilang ito sa pagtatrabaho ay meron naman silang maitulong sa nangangailangan

Gawa 20:34 Nalalaman din ninyo na ang mga kamay na ito ay nangaglilingkod sa mga kinakailangan ko, at sa aking mga kasamahan. (ADB)
Gawa 20:35 Nagbigay halimbawa ako sa inyo sa lahat ng mga bagay, na sa ganitong pagpapagal ay dapat kayong magsisaklolo sa mahihina, at alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, na siya rin ang may sabi, Lalo pang mapalad ang magbigay kay sa tumanggap. (ADB)

Si Bro. Eli nagtatrabaho kaya may pera siya at mga pag-aari. Ginagamit naman niya ito sa pangangailangan ng mga kasama niya at mga kapatid. Halos wala na ngang matira para sa kanyang sarili. Halos lahat sa pangangailangan ng gawain at ng mga kapatid ang pinupuntahan ng pagpapagal niya. Kaya sa puntong ito maituturing na dukha si Bro. Eli dahil kahit meron siya ng lahat ng bagay gaya ni Pablo ay hindi naman niya ginamit ito para lang sa kanyang sarili kundi mas malaking bahagi nito ay ipinaglingkod niya sa mga kapatid.

Si Cristo bagamat siya ang tagapagmana at may-ari ng lahat ng bagay dito sa mundo, hindi niya ginamit ito sa kanyang sariling kapakinabangan ng siya ay nasa lupa kundi ginamit niya ang kayamanang ito sa mga nangangailangan gaya ng pagpapakain sa nagugutom, etc.
NoelDC

Avatar

Quote | Reply |


Dukhang Pantas ba si Bro. Eli ?
replied on: 1/11/2005 6:46:23 AM

HINDI!
saintegermaine
Neutral na taga-sanlibutan
Gender: Male
Location: Sta. Ana Manila, Phils.
Avatar

Quote | Reply |


Dukhang Pantas ba si Bro. Eli ?
replied on: 1/18/2005 9:41:25 AM

well kung ako hahatol, ay masasabi ko siyang pantas dahil marami siyang alam sa bible at science higit sa lahat ng pastor sa Pilipinas.

ngunit dukha? ewan siguro dating mahirap ngayon mayaman na siya una marami nang tumutulong sa kanya at may Kaka siya na may milyon ang suweldo.

in short Eli is pantas ngunit hindi dukha.

that is my decision.
Analyst
Gender: Male
Avatar

Quote | Reply |


Dukhang Pantas ba si Bro. Eli ?
replied on: 1/24/2005 6:44:00 PM

Ano ba talaga?

Tunay na Dukha?

Dating mayaman ngayon ay dukha na?

Nag dudukha-dukhaan lang?

Mayaman talaga, pero Dukha lang ang tawag?



marrickneri




Quote | Reply |


Unang iglesia
replied on: 2/16/2005 10:18:11 AM

Nakakatawa naman itong survey niyo. Sabi ng Islam, si Mohammad ang sugong propeta; sabi ng Mormon, si Joseph Smith; sabi ng INC, si Felix Manalo; atbp. Lahat sila ay gumagamit ng mga supporting verses (kuno) mula sa Biblia. Ngayon nadagdag pa si Ka Eli Soriano.

Dahil ba na mahusay ka na mangangaral at nakapagpatibay ng isang iglesia, ay hinulaan ka na sa Biblia? Asan ang mga hula sa lumang tipan patungkol kina Sn.Pedro, Sn.Pablo, Sn.Juan, atbp? Di ba't higit na mas dakila ang mga ito sa larangan ng paglilingkod sa Dios?
marrickneri




Quote | Reply |


Hindi nagpa-bautismo ngunit naligtas?
replied on: 2/16/2005 10:25:15 AM

Sa pagkakaintindi ko sa 1Sam 4:9, ang tinutukoy na pakikipaglaban duon ay hindi pakikipag-debate, kundi labanan sa digmaan. Kung gagamitin natin itong talatang ito bilang patunay ng pagkalalake ay baka maraming humamon kay ka Eli ng suntukan, o espadahan o barilan. Lalaban pa kaya siya non?

Baliktad din ang nakita ko kay Moises nang siya ay hamunin nila Miriam at Aaron patungkol sa pagiging propeta niya at pinuno ng Israel. Sa halip na makipag-debate, naging maamo si Moises- ang Dios pa nga ang nagtanggol sa kanya! Kung gayon, hindi ba tunay na lalake si Moises?
LinkBot





Gamers Wanted is looking for people to write game reviews and post news,
if your interested please visit Gamers Wanted About Us Page



Page 1 of 2: 1 2 Next

 



Contact Administrator (must be logged in)


Tired of seeing ads? Click here to upgrade to Elite Membership!


ChatArea.com Help & News Forums | Terms of Use | Contact ChatArea.com | Advertising

Powered By ChatArea.com - Get your free Society today! © Copyright 2003 Wewp!