|
| Author | Message / Information |
| addchrstn Moderator kaanib Gender: Male Location: Pampanga Status: This message was updated on 6/6/2003 8:47:18 AM by addchrstn | Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo posted on: 6/5/2003 12:53:01 PM Atin pong pag-usapan sa thread na ito ang mga kontradiksyong pahayag daw ni Bro. Eli tungkol sa claim niya bilang sugo. quote: Atin pong pag-aralan kung may kontradiksyon nga po sa pahayag na ito ni Bro. Eli. Sa unang pahayag niya ay sinabi niyang ayaw niyang tumanggap na claim na siya ay propeta o sugo dahil ordinaryong tao lang siya. Ano po ba ang pahayag ng Banal na Kasulatan sa ganitong uri ng pananaw na ayaw manggaling sa kanya ang pagpapapatotoo na siya ay sugo. Basahin po nati ang Juan 5:31 "Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan." Kung manggagaling pala kay Bro. Eli na siya ay sugo sa kanyang sariling kalooban ay nangangahulugang nagpapatotoo siya sa kaniyang sarili at ayon sa ating Panginoong Jesus ay magiging walang katotohanan ang patotoong ito kung galing lamang sa sarili. Si San Pablo ay mayroon ding pahayag tungkol dito: 2 Cor 10:18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon. Ayon kay San Pablo na hindi subok ang nagtatagubilin sa kanyang sarili. Ito ang mga batayan ni Bro. Eli kung bakit sinabi niyang ayaw niyang tumanggap ng claim bilang sugo. Sa ikalawang pahayag niya naman sinabi niyang na kung nagki-claim siya bilang Mangangaral ay obligado siyang aminin na siya ay sugo. Pansinin na sinabi niya na siya'y "obligado" at hindi dahil sa gusto niyang patawag na sugo kundi upang patunayan niya ang kanyang karapatan sa pangangaral ay kailangang aminin niya na siya ay sugo. Dahil kung hindi siya sugo ay anong karapatan niyang mangaral. Ito ay mababasa natin sa Roma 10:15 "At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!" Kaya para magkaroon ka ng karapatang mangaral ay kailangan ikaw ay sugo. Mayroong mga pagkakataon na kailangang magmapuri kung in-question na ang inyong authority gaya ng ginawa ni San Pablo 2 Cor 10:8 Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya. 2 Cor 11:18 Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako nama'y magmamapuri. Pero siya rin naman ang nagsabing hindi siya nagmamapuri 2 Cor 5:12 Hindi namin ipinagkakapuring muli ang aming sarili sa inyo, kundi binibigyan namin kayo ng dahilan na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin, upang kayo'y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo, at hindi sa puso. 2 Cor 10:13 Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo. Ibig bang sabihin nito na kontra-kontra na ang mga sinasabi ni San Pablo. Ibig bang sabihin nito na hindi na sugo ng Dios si San Pablo. Kailangan nating maintindihan na kaya kung minsan nagsasalita ang isang Mangangaral ng tila pagmamapuri ito ay dahil sumasampalataya siya sa kaloob at kapamahalaang ibinigay sa kanya ng Panginoon. Roma 15:17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios. 1 Cor 1:31 Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon. 2 Cor 1:12 Sapagka't ang aming pagmamapuri ay ito, ang pagpapatotoo ng aming budhi, ayon sa kabanalan at pagtatapat sa Dios, hindi ayon sa karunungan ng laman, kundi sa biyaya ng Dios, na kami'y nagugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo. 2 Cor 11:10 Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo, sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya. Pero may pagkakataong pinipigil na magmamapuri ni San Pablo na baka isipin ng iba na siya ay mayabang o mataas. 2 cor 12:6 Sapagka't kung ibigin kong ako'y magmapuri, ay hindi ako magiging mangmang; sapagka't sasalitain ko ang katotohanan: nguni't nagpipigil ako, baka ang sinoman ay magakalang ako'y mataas sa nakikita niya sa akin, o naririnig sa akin. Kaya hindi masama na pamin-minsan na magmapuri o sabihing sugo ka kung hinihingi ng pagkakataon at in-question ang iyong authority. |
tamuklong
![]() INC Gender: Male |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 7/17/2003 10:27:51 AM Eh ano ba talaga sya bro?? Sugo ba o Hindi?? Paki sagot naman bro!!! |
|
Yirmeyahu
Kaanib Gender: Male Site Admin Status: |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 7/18/2003 8:17:03 AM quote: Sugo po! Wala po kasi siyang karapatang mangaral kung hindi siya sugo. Basa... Roma 10:15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti! Ngunit hindi niya laging sasabihin o ipagmamapuri na sugo siya maliban na lamang kung in-question ang kanyang authority. Juan 7:18 Ang nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian: datapuwa't ang humahanap ng kaluwalhatian niyaong sa kaniya'y nagsugo, ang gayon ay totoo, at sa kaniya'y walang kalikuan. |
tamuklong
![]() INC Gender: Male |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 7/24/2003 10:24:02 AM Eh kung gayon bakit po sinabi nya dun sa isang nagtanong na ganito "Ako po ay isang ordinaryong mangangaral ng salita ng Dios,ayaw kong tumanggap ng kahit na anong claim,ke propeta o ke sugo..." Ayaw nyang tumanggap na sya ay sugo??? Tapos sabi nya dun sa isa sugo daw sya... Ano ba talaga bro???? Eh di niloloko nya yung nagtatanong sa kanya, tinatanong sya tapos iba sagot nya!!!!! |
|
Yirmeyahu
Kaanib Gender: Male Site Admin Status: |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 7/24/2003 10:46:35 AM quote: Pakibasa po ang sagot sa post ni addchrstn. Unawain nyo pong mabuti. Gaya po ng sinasabi ko hindi magmumula sa kanya ang pagsasabing siya ay sugo dahil: Juan 5:31 "Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan." 2 Cor 10:18 Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon. Hindi po nararapat sa isang Mangangaral na itaas niya ang kanyang sarili at magmapuri na siya ay sugo. Pero may mga pagkakataong kailangang magmapuri kung matatawag man itong pagmamapuri na tanggapin at sabihing siya ay sugo kung ang kanyang karapatan sa pangangaral ay in-question gaya po ng ginawa ni San Pablo. 2 Cor 12:1 Kinakailangang ako'y magmapuri, bagaman ito'y hindi nararapat; nguni't aking sasaysayin ang mga pangitain ko at mga pahayag ng Panginoon. 2 Cor 10:8 Sapagka't bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan (na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo, at hindi sa ikagigiba ninyo) ay hindi ako mapapahiya. 2 Cor 11:18 Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman, ako nama'y magmamapuri. |
tamuklong
![]() INC Gender: Male |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 7/25/2003 5:29:48 AM Sabihin nya kasi kung sugo sya o hindi isang tanong isang sagot, ikaw dapat ang umintindi kasi 2 ang sagot nya isang tanong. Kahit si cristo nagpatoto sya na sya ay sugo ng AMA ibig sabihin ba ay nagmamapuri sya, HINDE!!! Sumagot lang sya sa tanong na dapat na sagutin...EH yung puno nyong palamura iba-iba sagot di matindigan kung ano talaga ang sagot nya...Parang BAKLA/BADING/....Hindi kaya bro??? |
|
Yirmeyahu
Kaanib Gender: Male Site Admin Status: |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 7/26/2003 6:01:27 AM quote: Alam mo bro hindi sa lahat ng pagkakataon ay iisa ang sagot sa isang tanong. Isinaalang-alang din kung sino ang kausap. Halimbawa sa mga kaanib sa Iglesia iba ang sagot ni Cristo. Malilinaw at direkto. Pero sa mga di kaanib ang sagot niya ay nasa uring talinghaga (indirect) Mateo 13:34 Lahat ng mga bagay na ito’y sinabi ni Jesus sa mga karamihan sa mga talinghaga; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap: Marcos 4:34 At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga: datapuwa’t sa kaniyang sariling mga alagad ay bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay. Marcos 4:11 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga: Sa kaanib direkto ang sagot ni Bro Eli na sugo siya pero sa taga-labas hindi niya kaagad sasabihin na sugo siya maliban na lamang kung kinakailangan quote: Ang baklang sinasabi sa Biblia ay ito: Jeremias 51:30 Ang mga makapangyarihan ng Babilonia ay nagsisiurong sa pakikipaglaban, sila’y nanatili sa kanilang mga katibayan; ang kanilang kapangyarihan ay nanglulupaypay; sila’y naging parang mga babae: ang kaniyang mga tahanang dako ay sinilaban; ang kaniyang mga halang ay nabali. Ang bakla ayon sa Biblia ay yung duwag sa debate at nananatili na lamang sa mga katibayan nila at ayaw isagupa ang paninindigan nila para masubok kung matibay nga ba ang kanilang mga argumento. |
tamuklong
![]() INC Gender: Male |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/1/2003 7:09:44 AM Eh bakit ayaw nyong lumaban ng debate sa INC, nuon hamon kayo ng hamon nung sagutin ang hamon marami na kayong dahilan.... Laban para di kayo maging bakla o duwag kahit sino sa mga nas programang ATD lalaban, nagsalita na nga sila kung saan eh aayaw-ayaw naman kayo.... Sige nga ikaw kaya bro punta ka sa INC kumausap ka ng ministro o manggagawa nila para labanan sila sa isang debate na ang isyu ay ito para naman malaman natin kung sino talaga ang duwag.....o kaya ay bakla sa atin, kasi sabi mo tama ka eh edi pakita mo at baka sakali tama ka nga....he..he..he.. |
|
Yirmeyahu
Kaanib Gender: Male Site Admin Status: |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/1/2003 9:06:00 AM quote: Ang hamon naming diskusyon ay sa TV para sa mga INC. Hanggang ngayon ayaw pa rin nilang tanggapin ang hamon na ito. Ayaw namin sa plaza dahil sa napakamapanganib ng panahon ngayon. Hindi man sila ang manggulo nariyan naman ang mga terorista na maaring maghasik ng lagim at maaaring madamay pa ang mga walang kinalaman. Ang lingkod ng Dios dapat nag-iingat sa kanyang sarili at hindi niya tutuksuhin ang Dios dahil kapahamakan ang sasapitin kung magkagulo sa plaza. 1 Juan 5:18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama. |
|
Amkerom
Kaanib Gender:
Location: California, USA |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/1/2003 3:07:10 PM Aminin man niyang sugo siya kaya niyang patunayan, eh kayo mga iglesia ni manalo kaya ba ng mangangaral ninyo ipagtanggol ang inyong pananampalataya? |
tamuklong
![]() INC Gender: Male |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/2/2003 9:30:51 AM Anong di sinagot ang hamon nyo, matagal na kayong sinagot kahit nga raw bayaran pa nila ang air time eh, kayo ang di na sumagot sa hamon nila.... Punta ka sa programa nyo at tanungin mo sila kung bakit ayaw nyo pa talagang lumaban ng debate sa ATD.... Kaya lang kalinagan nyo ng malaking pera naku uutang na naman sa inyo ang puno nyong palamura he..he..he.. kawawa naman ang samahan nyo di na makalaban ng debate sa INC, nagyayabang pang sila ang sasagot ng AIR TIME. Sya punta ka muna sa grupo nyo at magtanong ka kung kailan nila uulitin at tototohanin ang paglaban sa INC. Kahit sa PLAZA bro pwede ang INC, naalala ko sabi ng puno nyo DIYOS daw sya eh bakit sya natatakot lumabas kahit nga sa TV ayaw na nya...he..he..he.. |
|
Yirmeyahu
Kaanib Gender: Male Site Admin Status: |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/5/2003 1:02:20 PM quote: Ang hamon namin sa kanila sa TV at gaganapin sa isang TV studio at hindi sa plaza. Kung talagang gusto talaga nila sa plaza pumayag na si Bro Eli kung sila lang ni Manalo ang magdedebate sa plaza at walang miembro na sasama para maiwasan ang magkasakitan sakaling magkapikunan. quote: talagang pwedeng pwede sila sa plaza yan nga ang gusto nila. sabi nga ng miembro nilang judge na magdadala sila ng milyong miembro sa plaza para mapigilan si Bro Eli sa pagsasalita ng masamang salita sa kanila. kaya kung nagsalita si Bro Eli ng salitang hindi nila nagustuhan, alam mo na ang mangayayari. Si Cristo bagamat Anak ng Dios at may pangako ang Dios na hindi siya pababayaan ay hindi napasunod ni satanas sa gusto niya. Ganyan din ang sitwasyon namin hindi namin tutuksuhin ang Dios para lamang mapatunayan namin na talagang ginagabayan at iniingatan kami ng Dios. Parang tukso ni satanas ang hamon na debate ng mga INC sa plaza. 1 Juan 5:18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama. Ang inaalala ni Bro Eli ay ang maaaring mapahamak na mga miembro sa amin. Hindi naman papayag ang miembro namin na iwan na lang mag-isa si Bro Eli at kung sakaling masaktan ito tiyak na ipagtatanggol nila ito at maaaring mapahamak ang mga ito dahil sa kanya. Ang diwa ng Mangangaral hindi baleng siya ang mapahamak huwag lang mapahamak ang mga inaaakay niya. Kunin nating halimbawa si Cristo nang darakpin na siya ng mga Judio. Juan 18:8 Sumagot si Jesus, Sinabi ko sa inyo na ako nga; kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang mga lakad. Juan 18:10 Upang matupad ang salitang sinalita niya, Sa mga ibinigay mo sa akin ay hindi ko iniwala kahit isa. Ayaw ni Cristong mapahamak ang mga alagad kaya pinamanhikan niya ang mga dumarakip sa kanya na pabayaan na lang silang umalis at huwag na silang idamay dahil ayaw niyang may isa man sa kanila na mapahamak. Iyan ang diwa ng isang tunay na Mangangaral at hindi baleng siya ang mapahamak wag lang mapahamak ang mga tagasunod niya. |
tamuklong
![]() INC Gender: Male |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/7/2003 6:09:51 AM Kay ka POL na lang sya lumaban, kasi marami na si ka POL na tinanong sa kanya di nya masagot eh..sa tagapamahala pa..tsaka baka makahawa ng sakit yang PUNO nyo...naku ang basehan nga pala nyan kaya di nag dadamit ng mahal eh yung talata ng biblia na para sa mga babae..he..he..he.. Punong alanganin he..he..he.. Hamunin nyo ulit ang INC para makita nyo na ang hinahanap nyo, diba Diyos ang PUNO nyo tsaka si Jocel Diyos din edi wag silang matakot na humarap sa debate puro pag mumura at dura lang ang mga alam ng PUNO nyo.... Natatakot ang PUNO nyo na mapahiya kaya nga ang ginagawa nya puro mura na lang ang sagot sa ATD, edi lalo na sa plaza.... Yung tumakas na kawa nasan na ang sagot nya..saang talata mababasa yon..baka ikaw alam mo?? CGE nga, sagot ka ng sagot di mo rin namin sinisiyasat kung tama sagot mo mag-isip ka bro.... Yung mga MIC nyo tanungin mo marami ng binubunyag pati pagka alanganin ng PUNO nyo, biruin mo MIC nyo ha.....Tanungin mo sila.....he..he..he.. hingi ka ng kopya basahin mo kasi ako nabasa ko na yung galing sa MIC nya. |
tamuklong
![]() INC Gender: Male |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/7/2003 9:21:57 AM Kung ayaw nya kayong mapahamak edi sya na lang tutal diyos naman sya eh!!!!! |
|
Yirmeyahu
Kaanib Gender: Male Site Admin Status: |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/8/2003 8:37:38 AM quote: Pumayag na nga sa kondisyon sila lang ni Manalo at ang mga cameraman sa plaza at wag magdadala ng mga miembro. Hanggang ngayon di pa sinasagot ng INC yan |
tamuklong
![]() INC Gender: Male This message was updated on 8/20/2003 12:33:24 PM by smile_seta |
Claim ni Bro. Eli Bilang Sugo
replied on: 8/14/2003 4:01:55 PM Yung mga issue sa TV di masagot ng PUNO nyo edi lalo na sa plaza o TV, takot ang PUNO nyo na mabunyag ang kanyang kahuwadan, bagay matagal ng nabunyag sa ATD bagyo na ang sinasapit nya.. sana kapatid mamulat ka ..... Wala kang pinagkaiba sa kanya!!! SUNOG KA PAG DATING NG PAGHUHUKOM!!! Kahit kailan kaya ng INC na manindigan sa kanilang pananampalataya na walang kasamang pagmumura sa kanyang kalaban yan ang tandaan mo sana magkita tayo para makita mo ang hinahanap mo, ang Diyos nyo ay si ELI at hindi ang Ama na nasa langit, tulungan ka nawa ng Diyos na maka-alam ng katotohan at baka sakaling may natitira pang awa ang Diyos at makapagbalik-loob ka pa sa kanya. |
|
LinkBot
|
Gamers Wanted is looking for people to write game reviews and post news, |
|
|
| Tired of seeing ads? Click here to upgrade to Elite Membership! |
ChatArea.com Help & News Forums | Terms of Use | Contact ChatArea.com | Advertising
Powered By ChatArea.com - Get your free Society today! © Copyright 2003 Wewp!